Sunday, September 22, 2013

Kabataan





Kabataan ang pag-asa ng bayan
Sang-ayon ka pa rin ba?
Sa lahat ng pahayagan sa Pilipinas
Kabataang sangkot sa maling gawain ang laman

Kabataang sinasabing Pag-asa
Bakit naging mapang-api, marupok
Sakim sa kanilang kapwa?
Pag-asa ba kamo ang hatid nila?

Kabataan bakit nagkaganyan?
Sa murang edad ay natutong mamuhay
Sa maling pamamaraan
Oh kailan pa matatamasa ang tamis ng buhay
Dati'y pag-asa ngayo'y naging problema.

No comments:

Post a Comment